Isang tree planting activity ang isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Vicente kaugnay ng pagsisimula ng pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Philippine Civil Service ngayong buwan ng Setyembre.

Ito ay isinagawa kahapon, Miyerkules, ika-1 ng Setyembre, sa San Vicente Airport Area.

Nakibahagi sa aktibidad ang mga hepe ng departamento ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Human Resource Management Officer Meriam D. Etchinique ng Office of the Human Resource Management – ang punong abala sa gawain.

Ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service ay may temang “Transforming Public Service in the Next Decade. Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes.”

Ito ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Setyembre alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1050, series of 1997.