
Ang panawagan ay may kaugnayan sa pag-lockdown sa Bgy. Liminangcong at biglaang pagtaas ng Covid-19 cases sa Bayan ng Taytay.
Ang mga residente at mangingisda na nakapunta o nanggaling sa Liminangcong nitong mga nakaraang araw at linggo ay pinapayuhan na magpatala sa kanilang BHERT upang ma-monitor ang kanilang sitwasyon o di kaya ay magpa-Antigen Test upang makasiguro na hindi sila maging sanhi ng pagkahawa ng kanilang mga kapamilya at kapitbahay.
Seryoso ang lokal na pamahalaan ng San Vicente sa pagpapatupad ng panuntunan laban sa Covid-19 upang maiwasan ang pagpasok at pagkalat ng sakit sa bayan.