san-vicente-palawan-advisory-on-travel-restrictions-starting-april-10

Dahil sa naitatalang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Puerto Princesa, napagkasunduan ng Municipal Inter-Agency Task Force na magpatupad ng mahigpit na panuntunan sa paglabas at pagpasok sa munisipyo ng San Vicente.

Simula bukas, Abril 10 hanggang Abril 16, ang mga papayagang pumasok ng San Vicente ay ang essential travel lamang tulad ng transport of goods at emergencies.

Hindi rin muna papayagang pumasok ang mga turista at mga bisita sa nabanggit na mga araw.

Ang mga residenteng lalabas ng munisipyo ay hindi rin papayagan maliban kung kinakailangan(emergency).

Ang pansamantalang hakbang na ito ay pag-iingat upang mapanatiling ligtas ang bawat isa sa banta ng COVID-19.