san-vicente-palawan-red-cross

Muling iniimbitahan ng Municipal Health Office ang mga may mabubuting loob na voluntaryong magbigay ng kanilang dugo sa ikanasang Mass Blood Donation activity sa darating na Agosto 25 sa Bgy. Kemdeng at at Agosto 26 sa Bgy. Sto. Nino.


Samantala, tumanggap naman ang Bayan ng San Vicente, Palawan ng pagkilala at pasasalamat mula sa Philippine Red Cross Palawan Chapter dahil sa walang humpay na suporta at kontribusyon nito sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa ng mga Mass Blood Donation Drive mula pa noong Enero 2020 hanggang Hunyo 2022.


Ang plake ng pagkilala ay Ibinigay noong ika-29 ng Hulyo 2022 sa Hue Hotel, Puerto Princesa City kaugnay ng pagdiriwang ng National Blood Donors Month na may temang “Donating Blood is an Act of Solidarity. Join the Effort and Save Lives.”