san-vicente-palawan-provides-rescue-vehicle

Pinangunahan ni Mayor Amy R. Alvarez ang turn-over activity ng isang rescue vehicle kay Punong Barangay Renan T. Failon ng Barangay New Canipo na ginanap kanina sa harap ng munisipyo, unang araw ng Hunyo, 2021.
Ang hakbang na ito ng Pamahalaang Bayan ay upang tugunan ang mga pangangailangan ng sasakyan ng barangay na magagamit nito sa pagtataguyod ng kaayusan, mabilis ng serbisyong medical, pag responde sa mga sitwasyong emergency, sakuna at rescue operations at maging sa pagpapatupad ng mga alituntunin na may kinalaman sa COVID-19.
Kasama sa pagsalin ang kasunduan ng maayos paggamit at pangangalaga nito, ganun din ang legal na paggamit ng sasakyan sa pag serbisyo sa barangay na nasasakupan. Katuwang pa rin ang pamahalaang bayan sa pagpapanatili ng maayos na kondisyon ng sasakyan.
Nauna nang tinanggap ng Barangay Binga, Caruray, at Sto. Nino ang mga rescue vehicle na inilaan para sa kanila noong buwan ng Abril at Mayo.