san-vicente-palawan-vaxcert-advisory

Ang VaxCertPH ay nag-update noong Pebrero 7, 2022 at may mga bagong features na ito, ayon sa Department of Health (DOH).
Dahil dito, lahat ng nakakuha na ng kanilang mga sertipiko bago ang ika-7 ng Pebrero ay pinapayuhan na kumuha uli ng bagong bersyon ng VaxCertPH sa portal (https://vaxcert.doh.gov.ph), dahil ang QR code ng mga lumang sertipiko ay magiging lipas na at hindi na mababasa ng QR scanner.

san-vicente-palawan-spass-advisory-on-vaxcertph-update


Siguraduhing makakuha ng bago o updated Vaccination Certificate lalo na kung ikaw ay bibiyahe upang matiyak o magagarantiya ang mabilis na pag-apruba sa pagproseso ng inyong S-PaSS TCP at maayos na mabasa ng mga QR Code scanners ng mga ahensiya/checkpoints ng destinasyong lugar.


Ang mga wala pang VaxCert ay maaari nang kumuha 48 oras matapos ang full vaccination. Bisitahin lang ang https://vaxcert.doh.gov.ph o pumunta sa ating RHU-Poblacion upang matulungan na makakuha ng sarili nyong VaxCertPH.