Palawan State University (PSU) – San Vicente Campus, opisyal nang nagbukas ang klase ngayong araw, September 1, 2020 para sa unang semester ng School Year 2020-2021. Ito ay kinumpirma ni Gg. Frederick R. Caabay, Campus Director, sa pamamagitan ng messenger chat.Isang Online University Student Orientation and Welcome Program ang isinagawa ng PSU Office of Student Affairs and Services (OSAS) para sa mga estudyante kaninang ika-9 ng umaga sa pamamagitan Live Facebook App sa kanilang opisyal Facebook Page. Ang lahat ng studyante ng PSU ay nire-require na sumali sa nasabing Online Orientation kung saan, dito imo-monitor ang kanilang mga attendance sa pamamagitan ng pre-registration at post-evaluation forms. Pinaaalahanan naman ang lahat ng Freshmen students na kailangan nilang sagutan o i-fill out ang form (via Google Form) hanggang September 5, 2020.

Ayon pa kay Director Caabay, “Blended Mode” ang gagamiting kaparaanan ng pag-aaral kung saan gagamit ang paaralan ng iba’t ibang platforms tulad ng Google classroom, Google meet, at Zoom app kasabay ng mga inihandang learning modules para sa offline learning materials na maaring i-download ng mga estudyante online. Sa kaniyang mensahe, ipinaaabot ng Director na sa panahong ito ay kailangan na ang lahat ay magtulungan, yakapin ang mga pagbabagong ito at maging positibo ang pananaw sa kabila ng kasalukuyang pandemya. “My message to the students is to embrace these changes and stay positive despite the challenges that we are facing. Let us work together and cooperate.”