Handa na ang Palawan State University-San Vicente Campus (PSU-SVC) para sa Limited Face-to-face Classes simula ngayong Lunes, ika-18 ng Abril ayon kay PSU-SVC Director Frederick R. Caabay sa kanyang mensahe sa social media ngayong araw. “Dear Students, starting Monday (April 18, 2022), face-to-face na tayo!” ayon kay Director Caabay.

Ito ay matapos aprubahan ngayong araw ika-12 ng Abril ni PSU President Dr. Ramon M. Docto, Ph.D., sa pamamagitan ng pagbibigay ng Certificate of Authority ang muling pagbubukas ng PSU San Vicente Campus para sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes sa lahat ng mga programa at sa lahat ng antas na nakasaad sa aplikasyon na isinumite nito sa Office of the University President.Nakasaad sa sertipikong tinanggap na nasunod at naisumite ng PSU-SVC ang lahat ng mga kinakailangang dokumento o requirements ng CHED at ng DOH sa ilalim ng JMC No. 2021-004 na may kinalaman sa pagsasagawa ng face-to-face classes.Nagpapasalamat naman ang Director sa tulong at pagsisikap ng PSU Administration, Faculty and Staff, College Student Government, Local Government Unit of San Vicente, Parents and Teachers Council, at Crisis Management Committee upang maisakatuparan ito. “We would like to extend our sincere gratitude for your help and effort to make this happen. We are so excited” wika ni Director Caabay.

Nanawagan naman si Mrs. Gilda Jo-An De Guzman Bandin, Admission Coordinator ng PSU-SVC sa mga magulang, kamag-anak o kakilala ng mga graduating Senior Highschool na i-encourage at tulungan ang mga mag-aaral na mag-register sa mga available na mga kursong inaalok ng paaralan bago matapos ang extended deadline ng pagpaparehistro sa susunod na Miyerkules, ika-19 ng Abril.Target ng PSU-SVC ang 250 enrollees sa para sa school year na ito upang mabuksan ang lahat ng kursong inaalok. “So far po kasi, 60 pa lng nagpapa register. Target po sana is 250 para ma-open lahat ng program.” Ani Gng. Bandin.Ang mga mag-aaral ng PSU-SVC ay may libreng Tuition Fee, Libreng Admission Exam, at may libre pang 500 pesos na buwanang allowance mula sa Pamahalaang Lokal ng San Vicente batay sa Lokal na Ordinansa Blg. 23, s2021. “ Free admission exam, free tuition, and they will have 500 allowance (Ordinance) po once they qualified and officially enrolled na po sa Campus.” Ayon pa kay Gng. Bandin.Ang mga Kursong maaring pagpilian ay ang AB in Political Science, BS in Computer Science, BS in Entrepreneurship, BS in Environmental Science, at BS in Tourism Management.