san-vicente-palawan-sanitation

Ipinagpapatuloy ng Pamahalaang Bayan ng San Vicente ang pamamahagi ng toilet bowls sa mga nangangailangan tulad ng katutubo at mahihirap.

Napag-alaman kay Sanitation Inspector Rodrigo A. Cipriano, Jr. na taun-taon ay naglalaan ang Pamahalaang Bayan ng pondo para sa pagbili ng mga toilet bowls na ibinibigay sa mga kabahayang walang palikuran.

Aniya, noong taong 2020 ay may kabuoang 333 toilet bowls ang kanilang naipamahagi sa mga barangay. Prayoridad na mabigyan ang mga katutubo.

“First come first serve basis ang ginagawa ko. Kapag nakatayo ka na ng bahay-bahay at toilet bowl na lang ang kulang [ay] bibigyan kita,” ani Sanitation Inspector Cipriano.

Ayon sa datos ng kanilang opisina, mayroong 12% ng mga kabahayan sa sampung barangay ang walang palikuran noong taong 2020. Ito ang patuloy na tinutugunan ng programa.

“Mababa [kasi] ang percentage ng household with sanitary toilet. Para makatulong… nagbibigay tayo ng toilet bowl,” paliwanag pa niya.

Kinakailangan umano na may istruktura ng bahay at hukay para sa palikuran bago magbibigay ng toilet bowl ang kanilang opisina. Ang mga Volunteer Barangay Sanitary Inspector ang magsasagawa ng inspeksyon at saka gagawa ng rekomendasyon sa Municipal Health Office upang maging benepisyaryo ng programa.

Dagdag pa ni Cipriano, may inaasahan silang mga bagong suplay ng toilet bowl na darating sa mga susunod na buwan na kanila ring ipamamahagi.

ng programang ito ay bahagi ng pag-iwas sa pagkalat ng mga sakit bunsod ng kawalan ng palikuran sa komunidad at pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.