suspension of work due to typhoon odette

Suspendido ang pasok sa mga pampublikong opisina at pribadong establisyemento sa mga munisipyo sa bahaging Norte ng Palawan kabilang ang San Vicente simula sa araw ng Biyernes, Disyembre 17, hanggang sa Linggo, Dis. 19, bilang paghahanda sa pagpasok ng Bagyong Odette sa lalawigan.


Batay ito sa inilabas na Executive Order No. 087, Series of 2021 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ngayong araw na naglalayong bigyang panahon ang mga lokal na pamahalaan at mga residente na magsagawa ng precautionary measures.


Kabilang sa kautusan ang suspensyon sa klase ng mga mag-aaral sa lahat ng antas maging ito man ay limited face to face o online classes.


Ipinag-uutos din ang mandatory at/o forced evacuations sa mga lugar na may panganib ng baha o pagguho ng lupa.
Kasalukuyang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ng Mainland Palawan dahil sa Bagyong Odette, base sa Bulletin No. 12 ng PAGASA.

suspension of work due to typhoon odette
suspension of work due to typhoon odette
suspension of work due to typhoon odette