san-vicente-palawan-paskuhan-sa-alimanguan

Pormal na binuksan ngayong araw December 11, 2020 ang pagdiriwang ng “Paskuhan Sa Alimanguan” sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan Council ng Alimanguan na pinangunahan ni Sk Chairperson Phil Dordines kasama ng iba pang mga youth organization tulad ng Alimanguan Sagip Pawikan Association, Alimanguan Skimmers Association, Alimanguan San Vic. Surf Organization, SIKAP Youth Organization, at LGBTQ Association.

Ang tatlong araw na aktibidad ay supurtado din ng barangay government sa pangunguna ng Punong Barangay Cesar M. Caballero kasama ang mga opisyal nito at ng Local na pamahalaan ng Bayan ng San Vicente sa pangunguna ni Mayor Amy Roa Alvarez.
Kasama sa mga dumalo sina Gg. Carlo A. Buitizon, Chief of Staff ng Mayor’s Office, mga miyembro ng Alimanguan Community Support Program Unit ng 33rd Marine Company at ng mga sponsors na nagbigay tulong pinansyal para sa selebrasyon.

Sa pagbubukas ng programa, nagkaroon ng Coastal Clean-Up activity sa baybayin ng alimanguan kung saan ito ay dinaluhan ng 84 participants mula sa ibat-ibang sektor, miyembro ng mga pribadong organisasyon, mga residente at kawani ng lokal na pamahalaan.
Kasama rin sa nagbigay ng kanilang presensya ay ang miyembro ng Palawan Council for Sustainable Development na nagbigay ng maikling orientation regarding sa tamang pagse-segragate ng mga basurang makukuha sa baybayin.

Umabot sa 124 kilos ang nakuhang basura sa baybayen (95.7 kilos ang residual waste at 28.3 naman ang recyclable waste na agaran namang kinuha ng Waste Management Unit ng Bayan ng San Vicente upang dalhin sa Municipal Landfill. Lubos na nagpapasalamat ang Sk Council at buong samahan ng organisasyon ng mga kabataan sa alimanguan sa aktibong partisipasyon ng barangay at lokal na pamahalaan.