bayanihan, bakunahan

Nakatakdang muling makibahagi sa pagpapatuloy ng National Vaccination Days (NVD II) ang lokal na pamahalaan ng San Vicente sa ika-15 hanggang ika-17 ng Disyembre, taong kasalukuyan.


Ayon sa pag-uulat ng Municipal Health Officer sa pulong ng Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) noong Biyernes, ika-10 ng Disyembre, may mga itinakda nang vaccination centers para sa isasagawang tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan.


Una itong gaganapin sa Bgy. Kemdeng, Bgy. New Agutaya at Sitio Panindigan, Bgy. Poblacion kung saan maaaring magpabakuna ang mga tatanggap ng 1st at 2nd dose at booster shots laban sa COVID-19.


Sa Bgy. San Isidro (1st, 2nd at booster shots) at Bgy. Poblacion (1st at booster shots) naman ang iskedyul ng bakunahan sa ika-16 ng Disyembre.

Sa ikatlong araw isasagawa ang pagbabakuna sa Bgy. Alimanguan at Bgy. Poblacion para sa una at pangalawang dose ng mga residenteng magpapabakuna. Kasabay naman nito ang 1st, 2nd and booster shots sa So. Bunuangin, Port Barton.


Tatanggap din ng mga magpapabakuna ang San Vicente District Hospital sa itinakdang tatlong araw na National Vaccination Days.


Samantala, nakapagtala ng kabuuang 2,824 vaccine jabs ang matagumpay na naiturok ng Municipal Health Office (MHO) sa kamakailang NVD na isinagawa sa mga barangay noong ika-29 ng Nobyembre hanggang ika-3 ng Disyembre.


Sa datos noong ika-30 ng Nobyembre, nasa 38.85 porsyento na ng 23,455 target eligible residents sa pagbabakuna ang fully vaccinated na.


Nagsimula na ring magturok ng booster shots ang MHO sa mga residenteng anim na buwan nang fully vaccinated.