san-vicente-palawan-training-on-government-procurement

Sumailalim kamakailan sa tatlong araw na pagsasanay patungkol sa government procurement and processes ang 78 kawani mula sa Pamahalaang Bayan ng San Vicente, Department of Education at Pamahalaang Barangay.

Ang naturang pagsasanay na naaayon sa Batas Republika Blg. 9184 ay isinagawa noong ika-21 hanggang ika-23 ng Enero, 2021 sa Palawan State University San Vicente Campus.

Pangunahing layunin ng gawain na mabigyang kaalaman ang mga partisipante sa konsepto at pamamaraan ng procurement sa konteksto ng lokal na pamamahala at madagdagan ang bilang ng mga procurement system practitioners at makahanap ng mas akmang pagkukunan ng mga suplay.

san-vicente-palawan-training-on-government-procurement

Nagsilbing tagapagsanay si G. Venzon L. Limpiada, university at board secretary ng Palawan State University.

Ang mga paksang tinalakay ay patungkol sa R.A 9184 o ang Government Procurement Reform Act, procurement planning and budget linkage, efficient procurement measures during a state of calamity or implementation of quarantine or similar restriction, simplified posting and electronic submission of procurement reports, standard bidding procedures for goods and infrastructure projects, alternative methods of procurement at protest remedies blacklisting and termination.

Ang gawain ay inisyatibo ng Pamahalaang Bayan ng San Vicente.