
“Basic Life Support and First Aid Training” kasalukuyang isinasagawa sa Barangay Alimanguan, San Vicente, Palawan sa pangunguna ng Palawan Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office (PPDRRMO) at ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng nasabing bayan.

Ang layunin ng pagsasanay ay upang mabigyan ng pangunahing kaalaman sa basic life support at first aid ang 26 na partisipante, kabilang dito ang mga miyembro ng Barangay Alimanguan SK Council, mga Barangay Tanod, mga kawani ng MDRRMO at mga miyembro ng mga grupong Alimanguan Kimmers Association, LGBTQ Association, Sagip Pawikan Association, San Vic Surf at Sikap Youth Organization.
Ang nasabing pagsasanay ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaang bayan ng San Vicente na pinangungunahan ni Mayor Amy Roa Alvarez, Barangay Government ng Alimanguan sa pangunguna ni Punong Barangay Cesar Caballero Sr. at ng Sangguniang Kabataan sa pamumuno ni SK Chairperson Phil Dordines kasama ng mga aktibong organisasyon sa nasabing barangay.
Nagsimula ang Training nitong Lunes, ika 14 ng Disyembre at inaasahang namang matatapos ngayong Biyernes, ika-18 nitong huling buwan ng taon.