san-vicente-palawan-welding-plumbing-training

Magkakaroon po ng pagsasanay ng Welding at Plumbing (NC-1) para sa mga interesadong residente ng bayan ng San Vicente, Palawan. 15 participants lamang po para sa bawat kurso ang nakalaan, kaya 1st come, 1st served basis po ang pagtanggap ng partisipante.

Aabot ng 45 days ang training na ito, 10 araw para sa online lecture na gaganapin dito lang sa bayan at 35 days na aktuwal o hands-on training na gagawin sa Puerto Princesa School of Arts and Trades (PPSAT), isang TESDA accredited training center sa Puerto Princesa City.

Para sa mga interesado sa training na ito, kailangan po kayo ay 18 years old o higit pa, at least Highschool graduate, at payag o may panahon na magsanay sa siyudad ng Puerto Princesa.

Para sa pagpapalista at ibang pang katanungan at impormasyon tungkol dito ay tumawag sa numerong 0961-291-3397, hanapin si Ms. Trifonia Abuacan, Community Affairs Assistant.