san-vicente-palawan-clearing-operation-after-typhoon-odette
san-vicente-palawan-clearing-operation-after-typhoon-odette

Patuloy ang isinasagawang paghahakot ng mga fallen debris at iba pang basura na iniwan ng Bagyong Odette sa mga kalsadang nasasakupan ng bayan ng San Vicente.

Ito ay sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa pagtataya ng MENRO, nasa 80 porsyentong tapos na ang paghahakot ng mga basura.


“We prioritize muna ang mga branches na nakahambalang pa rin sa tabi ng kalsada… Nasa 70 o 80 percent na tayo ng pag-collect. Ang volume diyan ay nasa[barangay ng] Poblacion at New Agutaya. Ito ang inuuna namin dahil ito ang pinaka-main natin, e, thoroughfare natin ay nandirito,” ani Acting MENRO Ian B. Echanes.


Photo Courtesy to Sir Echanes (MENRO)