san-vicente-mass-wedding

Sa kabila ng pandemya, nanaig pa rin ang pag-iibigan ng mga magsing-irog sa bayan ng San Vicente sa ginanap na Civil Mass Wedding ngayong araw, ika-9 ng Disyembre, 2020 sa Municipal Gym, Barangay Poblacion.

san-vicente-mass-wedding

Dalawampu’t siyam (29) na magkapareha o magkasintahan ang matapang na humarap sa hamon ng buhay at pag-aasawa at nanumpa ng pagtataguyod ng isang maayos na pamilya sa harap ni Mayor Amy Roa Alvarez.

san-vicente-mass-wedding

Ito ang kauna-unang Civil Mass Wedding na ginawa ng punong ehekutibo mula ng maupo sa puwesto at siya namang magiging huli para kay Gng. Veneranda Parcon, Municipal Civil Registrar ng LGU na napipintong magre-retire ngayong taon.

san-vicente-mass-wedding

Masusing pinlano ang idinaos na kasalan ng bayan, hinati ito sa dalawang grupo,15 couples sa umaga at 14 naman sa hapon upang maipatupad ang social distancing at ang iba pang health protocols upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga ikinasal at ng mga dumalo.