san-vicente-palawan-public-advisory-for-lsi-and-rof

1. Pa-inform po ang inyong mga kapamilyang LSI at ROF na dapat po ay Lunes at Miyerkules lang sila dapat bumiyahe ayon sa SV-MIATF simula sa Lunes, December 14, 2020.

2. Kung may Swab Test (RT-PCR) po at negatibo ang resulta ang LSI/ROF ay hindi na sila ika-quarantine sa Isolation Facility, diretso na po sila sa inyong mga tahanan. Kailangan po yung petsa ng Test Result ay isang araw lang bago sila bumiyahe.

3. Kung wala pong Swab Test o lagpas na sa 24 oras ang resulta ng test bago bumiyahe ay kailangan po silang dumaan sa 14-day Mandatory Quarantine sa ating Isolation Facility.

4. Kung nasa Quaratine facility ang LSI/ROF ay maari po siyang magpa-Test ng Rapid Antigen Test mula sa ating MHO pagkatapos ng limang araw ng kwarantina. Kung negatibo ang resulta ay maaari na silang umuwi agad, hindi na kailangang tapusin ang 14 days.

5. Ang pagkain at mga personal na gastos po habang nasa quarantine facility at ang Rapid Antigen Test ay sagot po ng mga LSI/ROF.

Salamat po.