san-vicente-palawan-early-brigada-eskwela

Inaanyayahan ng San Vicente National High School (SVNHS) ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, stakeholders at iba pang volunteer na tumulong at makiisa sa programang “Early Brigada Eskwela” na nagsimula na noong ika-7 ng Marso hanggang ika-31 ng Mayo, 2022 bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase.
Ang “Early Brigada Eskwela”, batay sa Division Memorandum bilang 077, serye 2022 alinsunod sa DepEd Order Bilang 048, serye 2021ay naglalayon na maibalik at maisaayos ang mga pasilidad ng eskwelahan gayundin ang pagbibigay suporta ng bawat isa bilang paghahanda sa pagbubukas ng nalalapit na “limited face to face classes implementation”.
Sa diwa ng bayanihan, hinihiling ng pamunuan ng SVNHS ang supporta at sama-samang pagkilos ng mga magulang, private sectors/individuals, government agencies, NGO’s, local government units, at iba pang organisasyon upang maibigay ang ligtas at malinis na paaralan tungo sa kalidad na edukasyon.
Ang mga sumusunod na skedyul ay ibinigay para sa mga magulang ng mag-aaral:


April 4, 2022—lahat ng mga magulang mula Grade 7 hanggang Grade 12
April 11, 2022— mga magulang lamang ng Grade 7
April 18, 2022— mga magulang lamang ng Grade 8
April 25, 2022— mga magulang lamang ng Grade 9
May 2, 2022— mga magulang lamang ng Grade 10
May 16, 2022— mga magulang lamang ng Grade 11
May 23, 2022— mga magulang lamang ng Grade 12


Maari ding tumulong ang sinuman sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagay at kagamitan na kailangan ng paaralan tulad ng mga sumusunod:

  1. Mga Gamit Panlinis – Walis (tingting at tambo), Dustpan, Panlinis sa sahig, Powedered/Liquid soap, Mop at Balde;
  2. Mga Gamit sa Pagpipintura – Pintura, Paint Brush;
  3. Hygiene Kits/Health Essentials – Hand Sanitizer, Handwashing Soap, Alcohol, Tissues/Wipes, Facemask;
  4. Emergency Kits – Flashlights, Batteries, First Aid kits, Hard Hats;
  5. Mga Gamit sa Pagtatanim – Buto ng mga gulay, Pataba, Paso, Gardening Tools.
    “Ang inyo pong pakikiisa, tulong at serbisyo ay agad po naming pasasalamatan,” ayon sa pamunuan ng SVNHS.