
- Alamin ang lagay ng panahon sa bago pumalaot;
- Makinig sa radyo at manood ng teleb
- isyon tungkol sa mga ulat ng panahon;
- Sundin ang mga patakaran at ipinagbabawal ng Coast Guard, tungkol sa paglaot kapag masama ang panahon;
- Tumulong sa pagbibigay ng mga paalala, babala at pagbabawal sa paglalayag sa panahon ng bagyo sa ibang pang mangingisda;
- Siguraduhing nasa maayos na kondisyon ang makina, katawan, at mga katig ng bangka bago maglayag at magdala ng mga tools sa pag-aayos kung sakaling may emergency;
- Ipagbigay-alam sa iyong barangay kapitan o mga lokal na opisyales ang paglalayag at mag-iwan ng contact number;
- Alamin at tandaan ang mga hotline number ng Philippine Coast Guard, MDRRMC, PDRRMC, AFP, PNP at Bantay-dagat;
- Magdala ng sapat na bilang ng lifejackets, flashlights, baterya at pito.
- Magdala rin ng fully charged na cellphone at transistor radio sa paglaot;
- Ugaliing magdala ng kasama tuwing lalaot at huwag masyadong lumayo sa ibang mga bangka;
- Huwag pumunta sa mga lugar na walang signal hangga’t maaari at ipagbigay-alam ang iyong kinaroroonan;
- Patuloy na alamin ang lagay ng panahon, laging isipin ang sariling kaligtasan at huwag makipagsapalaran sa masamang panahon.
Mensahe mula sa Philippine Coastguard at ng LGU-San Vicente, Palawan