san-vicente-palawan-chainsaw-registration-amnesty-program-pcsd

Hinihikayat ngayon ng opisina Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) at nang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng bayan ng San Vicente ang mga nagmamay-ari ng chainsaw na samantalahin ang pagkakataon para sa ibinigay na amnestiya sa pagpaparehistro ng mga unregistered chainsaw nang walang multa bago dumating ang deadline nito sa lunes ika-21 ng Marso taong kasalukuyan.


Matatandaang inilabas ng PCSD noong buwan ng Enero ang limitadong amnestiya para sa rehistrasyon mga chainsaw sa ilalim ng Resolution No. 22-799 upang makatulong sa clearing operations o pag-aalis ng mga natumbang puno at iba pang mga debris sa mga kalsada at mga kabahayan na dulot ng Bagyong Odette.


Batay sa resolusyon, ang amnestiya ay magtatagal lamang ng 60 araw na nagsimula noong ika-20 ng Enero at matatapos naman nitong ika-21 ng Marso. Ito ay upang bigyang-daan ang mga kwalipikadong aplikante na mag-apply ng Certificate of Registration (COR) para sa kanilang mga Chainsaw unit.
Ayon kay OIC-MENRO Mr. Ian Echanes, ang unang target ng Chainsaw Registration Amnesty Program ng PCSD ay ang mga chainsaw na nag-expire na ang rehistro, sumunod ay ang mga chainsaw na illegal na nabili na hindi kumuha ng authority to purchase mula PCSD na ginamit para sa clearing operations pagkatapos ng bagyong Odette.


“Sa amnestiya ay ‘waived’ na yung authority to purchase, ang requirement na lang ay proof of ownership o yung land document, at second, yung iligibilty to possess chainsaw under the Chainsaw Act. Kailangan lang i-certify ng Barangay Captain o nang ating Municipal Agriculturist na in-fact meron kang orchard or tree farmer ka na kung saan duon mo gagamitin ang iyong chainsaw para sa pag-cut o pag-trim ng mga branches, … yun kasi ang magiging legal basis doon sa pagpurchase at pag-register ng chainsaw.” Wika ng Mr. Echanes.


“Sa ngayon maluwag [ang pag-rehistro], tulong yan sa mga tao para na rin sa rehabilitation effort natin dun sa Typhoon Odette, pagkatapos ng itinakdang deadline ay ibabalik na sa regular na proseso ang chainsaw registration at ang mga chainsaw na hindi pa naire-rehistro ay tuluyan nang huhulihin in violation of RA 9175.” Dagdag pa Echanes.


Mananatili ng ilang araw sa Munisipyo ang mga kawani ng PCSD upang padaliin ang pag-apply ng mga chainsaw owners para sa Chainsaw Registration Amnesty Program.

san-vicente-palawan-chainsaw-registration-amnesty-program-pcsd
san-vicente-palawan-chainsaw-registration-amnesty-program-pcsd
san-vicente-palawan-chainsaw-registration-amnesty-program-pcsd
san-vicente-palawan-chainsaw-registration-amnesty-program-pcsd
san-vicente-palawan-chainsaw-registration-amnesty-program-pcsd