san-vicente-palawan-heavy-equipment

Dumating na nitong buwan ng Enero ang 11 sa labingdalawang mga heavy equipment na binili ng pamahalaang bayan ng San Vicente na inaasahang magpapabilis ng pagpapatupad ng mga proyekto ng munisipyo.
Ang mga bagong ekwipo ay kinabibilangan ng isang Self-Loading Truck, dalawang 6-Wheeler Dump Truck, 6-Wheeler Drop Side with Crane, Wheel Type Excavator, Motor Grader, Hydraulic Compactor (Pison), Excavator with dozer (Crawler), Mini Dozer (Crawler), dalawang Mini Dumptruck, at Vibratory Compactor(Pison).
“Ang Self-loading Truck na lang ang hindi pa na-deliver ng supplier pero inaasahan namin itong dumating ngayong February” ani Mechanical Engineer Jay Francis Villa, motorpool building in-charge sa ilalim ng Municipal Engineering Office ng bayan ng San Vicente.

san-vicente-palawan-heavy-equipment

5 sa mga bagong ekwipo na dumating ay nakatalaga para sa operasyon ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) upang magamit sa solid waste management at landfill management ng nasabing opisina at ang iba pang ekwipo ay para naman sa operasyon ng Municipal Engineering Office (MEO) na gagamitin para ibat ibang infrastructure and road projects.
Isa sa priority ng administrasyon ni Mayor Amy Roa Alvarez ang pagkakaroon ng LGU ng sarili nitong mga heavy equipment upang magamit para sa pagbubukas, pagpapanatili at pag-aayos ng mga kalsada, maging sa iba pang programa at proyektong pang-imprastruktura ng lokal ng pamahalaan.


“Isa yan sa aking priority upang magamit natin sa mga pagbubukas ng mga bagong farm-to-market roads, pagmamantina ng mga existing municipal roads, ganun din sa pagsasaayos ng mga canal at iba pang infrastructure projects ng munisipyo” ayon kay Mayor Alvarez.

Ang mga bagong ekwipo ay magagamit din para sa patuloy na ginagawang mga road clearing, at rehabilitasyon ng mga kalsada na nasira ng nakaraang bagyo.


“Unti-unti nating kukumpletuhin ang ating mga heavy equipment, sa pamamagitan nito ay mapabilis natin ang serbisyo ng pamahalaan at mapasigla natin ang ekonomiya”, dagdag pa ni Mayor Alvarez
Malaki ang maitutulong ng mga nasabing heavy equipment upang mapasigla ang lokal na ekonomiya at makamtan ang paglago ng munisipyo sa pamamagitan ng mabilis, mahusay at epektibong pagganap at paghahatid ng mahahalagang serbisyo para sa mga nasasakupan nito.