Pinangunahan ni Mayor Amy Roa Alvarez at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Orlando C. Estoya ang pagsasalin sa paggamit ng bagong rescue vehicle na inilaan para sa Bgy. New Agutaya.

Tinanggap ni Punong Barangay Norlita Zabalo at mga kagawad nito ang susi ng sasakyan na iniabot ng Alkalde ngayong araw ng Miyerkules, ika-1 ng Setyembre, sa Barangay Gymnasium.

Ang pagsasalin ng paggamit ng rescue vehicles sa mga barangay ay bahagi ng pagpapaigting ng emergency response at public safety sa munisipyo.Ang naturang barangay ang ika-siyam na tumanggap ng rescue vehicle mula sa lokal na pamahalaan ng San Vicente.

Samantala, nagagamit na sa pagpapatupad ng mga programa sa emergency response at public safety ang mga sasakyan na inilaan para sa Bgy. Binga, New Canipo, Sto. NiƱo, Alimanguan, Kemdeng, Poblacion, Caruray at San Isidro.

Magagamit din ang sasakyan sa pagpapatupad ng mga protocols may kaugnayan sa COVID-19 at curfew hours sa mga barangay.