san-vicente-palawan-mayor-amy-alvarez-donates-bond-papers

Umabot sa 7,680 reams o 1,536 boxes ng bond paper ang personal na ipinagkaloob ni Mayor Amy Roa Alvarez sa DepEd-San Vicente kahapon, ika-9 ng Nobyembre 2020, sa San Vicente Elementary School compound, Barangay Poblacion, San Vicente, Palawan. Malaki ang pasasalamat ni Gg. Arlante Invertor, DepEd District Supervisor sa punong Bayan nang tanggapin nito ang mga donasyon sa isang maikling seremonya na sinaksihan naman ng mga guro ng paaralan at representante ng lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito ay plano din ng LGU na bumili ng mga Riso Printing machine upang magiging episyente at mabilis ang ang paggawa ng mga modyul para sa mga estudyante. Ang mga printing machine ay itatalaga sa bawat barangay at duon na sa barangay hall gagawin ang pag-imprinta ng mga modyul. “Sa bawat barangay maglalagay tayo ng isa, doon kayo mag-print ng mga modyul ninyo, dahil sa mga barangay hall siguradong may elektrisidad” ayon kay Mayor Alvarez.

an-vicente-palawan-mayor-amy-alvarez-donates-bond-paper

Ang mga modyul na ito ay kinakailangan para sa mga paaralang pinili ang Distance Learning bilang kanilang paraan ng pagtuturo habang ipinagbabawal pa rin ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang harapan o face-to-face na pagtuturo dahil sa patuloy na banta sa kalusugan na dala ng coronavirus disease (Covid-19) o pandemya.

Ang distance learning ay isang paraan ng paghahatid ng edukasyon na hindi na kailangang pumunta sa silid aralan ang mga mag-aaral upang makaiwas sa banta sa kalusugan.

san-vicente-palawan-mayor-amy-alvarez-donates-bond-papers

Kabilang sa Distance Learning ang Online Learning at Modular Learning ngunit dahil sa limitadong “Internet Access” na siyang pangunahing kailangan para sa Online Learning, wala ng ibang natitirang paraan kundi gamitin ang modular learning kung saan iniimprinta ng mga guro ang mga modyul at hinahatid sa mga tahanan o kaya ay kinukuha ito ng magulang sa mga paaralan.

Ang mga bond paper ay personal na donasyon ni Mayor Alvarez para sa mga paaralan at mga mag-aaral ng bayan ng San Vicente.