san-vicente-palawan-welcomes-poland-consul

Malugod na tinanggap ni Mayor Amy R. Alvarez ang pagbisita ng dalawang Poland Consul mula sa The Embassy of the Republic of Poland in Manila na sina Mr. Aleksander Milosz Parzych at Mr. Bartosz Wozniczko sa Pamahalaang Bayan ng San Vicente ngayong araw ng Martes, Hunyo 15.
Kasamang sumalubong sa mga panauhin sina Municipal Tourism Officer Lucylyn Panagsagan, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Orlando C. Estoya, at PMAJ Romerico Agustin Remo ng San Vicente Municipal Police Station.

san-vicente-palawan-welcomes-poland-consul


Ang pagbisita ng mga ito sa munisipyo ng San Vicente ay bahagi ng plano ng Polish Government na magtayo ng honorary consulate sa lalawigan ng Palawan. Naunang bumisita ang mga ito sa lungsod ng Puerto Princesa at nakatakdang bumisita rin sa bayan ng El Nido.
Sa isinagawang courtesy call, ipinresenta ni Municipal Tourism Officer Panagsagan ang patungkol sa kaunlaran ng industriya ng turismo sa San Vicente at ang mga ginawang hakbang upang matulungan ang mga turistang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Mayroong 2,188 Polish National ang bumisita sa San Vicente sa nagdaang limang taon, ayon sa tala ng Municipal Tourism Office.
Samantala, pinasalamatan naman ng mga panauhin ang alkalde sa mainit na pagtanggap sa kanila sa bayan ng San Vicente.