san-vicente-palawan-food-packs-distribution
san-vicente-palawan-food-packs-distribution

Umabot na sa 16,053 food packs ang naipamahagi ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng lokal na pamahalaan ng San Vicente para sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Odette noong buwan ng Disyembre taong 2021.


Sa tulong ng mga donasyon na ipinaabot ng iba’t ibang indibidwal, kompanya at sangay ng pamahalaan, nasa 12,269 food packs ang matagumpay na naipagkaloob sa unang bahagi ng relief goods distribution sa lahat ng barangay na nasasakupan.


Nagpapatuloy naman ang pagbibigay ng mga food packs para sa ikalawang round kung saan 3, 784 pamilya na ang muling nabahagian nito mula sa mga barangay ng New Canipo, Binga, Sto. Niño, Port Barton at Kemdeng.


Nagpapatuloy pa rin ang repacking ng mga bigas at iba pang pagkain sa tulong ng mga kawani ng lokal na pamahalaan para maipamahagi sa mga apektadong pamilya.


Sa tala ng Emergency Operations Center noong ika-6 ng Enero, nasa 9,896 bilang ng pamilya na ang naiulat na naapektuhan ng nagdaang kalamidad.


Photo Courtesy to MSWDO