san-vicente-palawan-chikiting-ligtas

San Vicente, Palawan – Tuloy-tuloy ang pagbabakuna ng mga kabataang may edad 59 buwan pababa sa bayan ng San Vicente mula nang inilunsad ang kampanyang “Chikiting Ligtas, sa Dagdag Bakuna Kontra Rubella, Polio at Tigdas” ng magkasamang mga kawani ng World Health Organization (WHO), Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD) MIMAROPA at LGU-San Vicente noong, ika-26 ng Oktubre, 2020.

san-vicente-palawan-chikiting-ligtas

Umabot na sa 2,188 kabataan o 63.59% ng target ang nabakunahan na para sa Measles-Rubella (MR) at 2,522 naman o 62.57% para sa Oral-Polio Vaccine (OPV) mula sa ibat-ibang barangay ng munisipyo mula ng umpisahan ito noong October 23, bago pa man nagkaroon ng formal launching. Inaasahang maaabot ang 100% na target bago pa matapos ang proyektong bakuna sa miyerkules, ika-25 ng Nobyembre, 2020.

Inaasahang makikibahagi sa libreng Mass Immunization Campaign ang mga magulang ng mga bata upang magkaroon ng karagdagang proteksiyon ang kanilang mga anak mula sa mga sakit na tigdas, rubella at polio.

Pinapayuhan naman ng San Vicente Municipal Health Office (MHO) ang mga magulang na pumunta lamang sa itinakdang araw at oras na nakasulat sa kanilang imbitasyon upang hindi magsabay-sabay ang pagpunta at maiwasan ang malaking pagtitipon at mapanatili ang social distancing.

Sinisiguro naman ng DOH na ang nasabing mga bakuna ay subok nang ligtas at epektibo.

Sa kabila ng banta ng COVID – 19, inendorso pa rin ng National Inter-Agency Task Force (NIATF) ang pagsasagawa ng Measles-Rubella at Oral Polio Vaccine (MR – OPV) Supplemental Immunization Activity ng DOH.

Batay sa Resolution No. 70 serye ng 2020 na inilabas noong Setyembre 10, 2020, ang mga Local Health Personnel ay pinapayagan na magsagawa ng mga pagbabakuna a numan ang katayuan o status ng community quarantine sa kanilang lugar kung saan isasagawa ang pagbabakuna.

san-vicente-palawan-chikiting-ligtas
san-vicente-palawan-chikiting-ligtas

Ang minimum health protocol ay mahigpit na ipinatutupad sa lahat ng lugar kung saan gagawin ang pagbabakuna tulad ng pagpapanatili ng distansya ng isa hanggang dalawang metro sa pagitan ng mga magulang, sapilitang pagsusuot ng face mask at face shield para sa mga health officers na magsasagawa ng pagbabakuna at mga magulang, at ang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos ng pagbabakuna.

Magkasabay na inilunsad ang programa sa buong bansa noong Octobre 26 at sa pamamagitan ng isang motorcade na pinangunahan ni Dr. Mercy Grace S. Pablico at Dr. Bonifacio Estorninos, kasama ang mga bisita mula sa WHO at DOH at mga health personnel ng Municipal Health Office ng bayan ng San Vicente, ay nilibot ng grupo ang Bgy. Población, Sitio Panindigan, New Agutaya, San Isidro hanggang sa Bgy. Alimanguan.

san-vicente-palawan-chikiting-ligtas

Kasama sa mga panauhin na nagbigay ng kanilang mga payong pangkalusugan si Dr. Greg Jenning mula sa World Health Organization at si Mr. Meric Garces mula sa DOH na siyang nangangasiwa sa pag mo-monitor ng immunization activity sa nasabing bayan.