Nagsagawa ng oryentasyon patungkol sa Data Privacy Act at Government Email (GovMail) System ang Pamahalaang Bayan ng San Vicente para sa mga kawani ng barangay.

Ito ay ginanap kahapon, ika-1 ng Setyembre, sa Malagnang room, MLGU Complex. Dumalo sa naturang oryentasyon ang mga secretaries, treasurers at registration agents mula sa sampung barangay ng munisipyo.

Tinalakay rito ang mga nilalaman at probisyon ng Batas Republika Blng. 10173 o ang Data Privacy Act of 2021 sa layuning maitaguyod ang pagtalima rito ng lahat ng lokal na pamahalaan at maibahagi ang tungkulin ng mga kawani ng gobyerno sa pagkalap ng mga datos at impormasyon mula sa publiko.

Upang gawing moderno ang sistema ng komunikasyon, kabilang din sa isinagawang oryentasyon ang patungkol sa GovMail System.

Ipinagkaloob din ng Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Information Technology Section ang mga nilikhang opisyal na email account para sa sampung barangay.

Kamakailan ay sumailalim din sa kaparehas na oryentasyon ang mga piling kawani ng lokal na pamahalaan.