Pinangunahan ni Mayor Amy Roa Alvarez ang turn-over ng mga bagong rescue vehicles para sa mga barangay ng Kemdeng, Poblacion at Alimanguan. Ito ay bahagi ng pagpapaigtig at pagpapalakas ng kakayahan ng mga barangay sa pagresponde sa mga emergency situations at pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng publiko.

Ngayong araw, ika-25 ng Agosto, ay matagumpay na naihatid ng Pamahalaang Bayan ang rescue vehicle na inilaan para sa Bgy. Alimanguan samantalang kahapon naman ginanap ang pagsasalin ng mga sasakyan sa mga barangay ng Kemdeng at Poblacion.

Pumirma sa usufruct agreement ang mga Punong Barangay at si Mayor Alvarez kaugnay ng kasunduan sa paggamit, pangangalaga at pagmimintina ng mga rescue vehicles.

Ilan sa mga responsibilidad ng Pamahalaang Bayan ang pagpapanatili ng magandang kondisyon ng sasakyan at pagpapaayos sakaling may sira samantalang responsibidad ng tumanggap na barangay na maglalaan ng fuel at panatilihing malinis at maayos ang sasakyan.

Sa pamamagitan ng naturang mga sasakyan, inaaasahan na mas mapapabilis ang pagdadala sa pagamutan ng mga pasyenteng nangangailangan ng agarang atensyong medikal at pagtugon sa iba pang emergency. Malaki rin ang maitutulong nito sa pag-implementa ng mga patakaraan sa COVID-19 at curfew hour.

Kamakailan ay tinanggap din ng Barangay Binga, New Canipo, Caruray, Sto. NiƱo at San Isidro ang mga kaparehas na sasakyan.