san-vicente-palawan-amended-travel-guidelines

Inamyendahan ng Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) for COVID-19 ang panuntunan sa papasok at palabas na pagbiyahe sa bayan ng San Vicente sa isinagawang virtual meeting noong araw ng Lunes, Hunyo 14.
Ito ay sa pamamagitan ng MIATF Resolution No. 06-02, series of 2021 o ang “A Resolution Amending the MIATF Resolution No. 0402-2021-A, Entitled: A Resolution Reopening the Municipality of San Vicente to Regular Inbound and Outbound Travelers.”
Ang mga may byahe palabas ng San Vicente ay dapat na magpakita ng ID, travel pass at magtala ng pangalan sa manipesto. Kinakailangan lamang nilang sumailalim sa antigen test kung requirements ito ng pupuntahang munisipyo o lungsod.
Sa bagong panuntunan para sa inbound residents, pinananatili ang mga requirements tulad ng ID, travel pass, manipesto at negatibong resulta ng antigen test. Kinakailangan din ng health clearance mula sa Barangay Health Center ng barangay na pinagmulan kung mayroong deklarasyon ng critical zones.
Ang mga may balikang biyahe o roundtrip travel ay pahihintulutang makabalik ng San Vicente nang walang resulta ng antigen test hanggang alas-10 ng gabi.
Hindi pa rin pahihintulutang makapasok ang biyaherong mula sa ideneklarang critical zone.
Idinagdag din ang pagrehistro sa s-pass system sa mga requirements para sa mga inbound travellers mula sa labas ng Palawan tulad ng turista, Locally Stranded Individuals, Returning OFWs at Authorized Persons outside Residence (APORs).
Kinakailangang sumailalim sa pitong araw na facility-based quarantine ang mga APOR mula sa labas ng Palawan na mamamalagi ng higit sa pitong araw sa San Vicente.
Ang mga naghahatid ng essential goods at online shopping deliveries ay dapat na may pass slip mula sa MEEDO na nagpapahintulot ng kanilang pagpasok at paglabas, valid o company ID at negatibong resulta ng antigen test na valid ng pitong araw. Dapat din na mayroon silang health clearance mula sa isang government physician kung sila ay mamalagi ng isang gabi sa loob ng San Vicente.
Nakasaad din sa resolusyon na libre ang antigen test para sa mga mahihirap na residente na mayroong mahahalagang biyahe. Kinakailangan lamang ng mga ito na magpakita ng certificate of indigency mula sa kanilang barangay.

san-vicente-palawan-amended-travel-guidelines
san-vicente-palawan-amended-travel-guidelines
san-vicente-palawan-amended-travel-guidelines
san-vicente-palawan-amended-travel-guidelines