Matagumpay na naisalin ng Pamahalaang Bayan ng San Vicente ang sampung rescue vehicles na inilaan para sa mga barangay kaugnay ng pagpapaigting ng pagtugon sa mga emergency situations, kalamidad at public safety sa munisipyo.

Pormal na iniabot ni Mayor Amy Roa Alvarez ang susi ng rescue vehicle sa lokal na pamahalaang barangay ng Port Barton na kinatawan ni Punong Barangay Enrico A. De Jesus ngayong araw ng Lunes, ika-6 ng Setyembre, sa MLGU Complex, Bgy. Poblacion.

Ang Bgy. Port Barton ay ang ikasampung barangay na tumanggap ng rescue vehicle mula sa Pamahalaang Bayan ng San Vicente.

Katulad ng mga isinagawang turnover kamakailan, pumirma sa usufruct agreement para sa paggamit at pangangalaga ng sasakyan sina Mayor Alvarez at Punong Barangay De Jesus.