Iba’t ibang uri ng gamot ang ipinaabot ng Singhealth Academic Medical Centre sa Pamahalaang Bayan ng San Vicente noong araw ng Miyerkules, Hunyo 16.
Tinanggap nina Mayor Amy R. Alvarez (kaliwa) at SB Lilibeth Uapal-Osorio (kanan) ang naturang mga gamot na agad inihatid sa Rural Health Unit.
Noong taong 2019, isang kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng naturang medical centre para sa pagtataguyod ng kolaborasyon sa paghahatid ng mga programa at serbisyong pangkalusugan sa mga barangay.