san-vicente-palawan-joins-national-womens-month

Ang bayan ng San Vicente, Palawan ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong Marso alinsunod sa Proklamasyon Bilang 227 na nilagdaan noong 1988 kung saan kinikilala ang “Women’s Role in History Month”.

Sa pagdiriwang na ito ay kinikilala natin ang mahalagang gampanin at kuntribusyon ng sektor ng kababaihan sa ating bayan at patuloy nating ipinaglalaban ang pantay na pagtingin at pagtuturing sa mga kasarian.

Pinangungunahan ng Philippine Commission on Women ang mga gawain para sa sektor ng kababaihan sa sa ilalim ng anim na taong pangmalawakang tema na inlunsad noong 2017 — #WeMakeChangeWorkForWomen. Partikular sa taong ito, nakatuon ang pagdiriwang ng National Women’s Month sa Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran.