san-vicente-palawan-update-on-granular-lockdown-at-panindigan

Nagdesisyon ang Municipal Inter-Agency Task Force for COVID-19 na ihinto na ang pagpapatupad ng granular lockdown sa mga lugar na sakop ng Purok Panindigan sa barangay Poblacion.
Nakasaad sa inaprubahang MIATF Resolution No. 06-08, na ang isinagawang pansamantalang paghihigpit sa mga naturang lugar ay naging epektibo at nakatulong upang mapamahalaan ng maayos ang mga kaso ng COVID-19 doon.
Ang mga pamilya ng mga residenteng nagpositibo roon ay kasalukuyang sumasailalim sa quarantine. Ang mga naiiwang positibo ay “na-contain” na upang hindi na makahawa. Ipagpapatuloy naman ng barangay ang monitoring sa mga naapektuhang kabahayan ng granular lockdown.
Matatandaang inilagay sa lockdown noong Hunyo 17 hanggang Hulyo 01 ang Area 2, Area 4 at Area 5 ng naturang Purok dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng COVID-19 doon.
Kasabay ng pagpatupad ng lockdown sa Purok Panindigan ang pagsasagawa ng active case finding kung saan isinailalim sa pagsusuri ang mga pangunahing nakasalamuha ng mga taong nagpositibo.
Namahagi rin ang Pamahalaang Bayan ng mga food packs sa mga apektadong pamilya.
Sa naturang lockdown ay ipinatupad ang zoning containment strategy kung saan itinalaga ang critical, containment, buffer at outside buffer zone. Ang galaw ng mga tao at iba pang aktibidad na nasa critical zone ay hinigpitan batay sa regulasyong ipinapatupad sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). Nagtalaga na rin ng Incident Management Team upang pamahalaan ang pagpapatupad ng granular lockdown.

san-vicente-palawan-update-on-granular-lockdown-at-panindigan
san-vicente-palawan-update-on-granular-lockdown-at-panindigan