san-vicente-palawan-gift-giving-at-bgy-alimanguan

Mahigit 100 mga katutubo ng Barangay Alimanguan, sa bayan ng San Vicente, Palawan ang naabutan ng munting regalong food packs sa isinagawang “Gift Giving” noong ika-11 ng Disyembre, taong kasalukuyan.

san-vicente-palawan-gift-giving-at-bgy-alimanguan-2
san-vicente-palawan-gift-giving-at-bgy-alimanguan-1

Ang aktibidad ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng “Paskuhan Sa Alimanguan” na sinuportahan ng Barangay Government ng Alimanguan sa pangunguna ng Punong Barangay Cesar M. Caballero, SK Chairman Phil Dordines at Barangay IPMR Villamor Flores kasama pa ang iba pang opisyal nito at ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng San Vicente sa pangunguna ni Mayor Amy Roa Alvarez kasama ang Chief of Staff ng Mayor’s Office Carlo A.Buitizon at katulong din ang Municipal IPMR Reynaldo D. Rodriguez.
Kasama rin sa pamimigay ang 33rd Marines Company at iba’t-ibang Organisasyon ng Barangay Alimanguan.Kasabay nito ang pagsagawa ng Coastal Clean-up na isa rin sa mga aktibidad ng nabanggit na pagdiriwang.