san-vicente-palawan-dswd-sap-distribution-to-peddlers

Provincial Coordinator Gina M. Bacosa, ng DSWD- Sustainable Livelihood Program (SLP) bumisita kay Mayor Amy Roa Alvarez para sa koordinasyon at preparasyon sa pag-relis ng tulong-pinansiyal para sa mga natukoy na 99 SAP recipients na pawang local peddlers ng munisipyo.

Kasalukuyang namimigay ang DSWD ng tig-limang libong piso para sa mga benepisyaryo ng Bgy Poblacion ngayong araw sa Municipal Covered Court at magkasabay naman na gagawin ang pamimigay sa barangay San Isidro, New Agutaya, Alimanguan, at Sto. Nino bukas, ika-13 ng Oktubre, 2020.

Ito ay bahagi ng Livelihood Recovery Project Proposal (LRPP) ng LGU-San Vicente na inaprubahan sa ilalim ng Livelihood Assistance Grants (LAG) para sa mga benepisyaryo ng SLP.Pinaalalahanan naman ang mga benepisyaryo na kailangang magdala ng 3 kopya ng kanilang valid ID, Social Amelioration Card (SAC) para sa hindi miyembro ng Pantawid Pamilya, at magdala ng sariling ballpen upang maiwasan ang pagpasa-pasa sa ibang mga kamay.

Kailangan din na sumunod sa Minimum Public Health Protocol tulad ng pagsuot ng Facemask at siguraduhin ang isang metro o higit pa na distansiya sa bawat isa o Social Distancing upang makaiwas sa Covid-19 virus.