san-vicente-palawan-diskwento-caravan

Gaganapin ang “Diskwento Caravan Odette Program” ng DTI sa pakikipagtulungan LGU sa bayan ng San Vicente, Palawan ngayung darating na Lunes at Martes, Enero 24-25, 2022 sa Covered Gym, Bgy. Poblacion.
Ang proyekto ay magbibigay ng dalawang araw na pagkakataon para sa mga lokal na nasasakupan na magkaroon ng access o makakabili ng mga pangunahing pangangailangan at bilihin na may 10% na diskuwento o higit pa.
Ang programang ito ay naglalayong mapunan ang kakulangan at kakapusan ng mga pangunahing pangangailangan at pangunahing bilihin at gayon din ay makapagbigay ng malaking diskwento at katipiran sa mga mamimili sa malalayong munisipyo.
Kasabay ng Diswento Caravan at local selling-fair na ito ang pagbibigay ng libreng gupit at pamamahagi ng impormasyon sa pamamagitan ng consumer information materials mula sa DTI.
Kasama sa mga kasosyong supplier na lalahok ang NCCC Supermarket gayundin ang iba pang mga lokal supplier, manufacturer at producer.
Tiniyak naman ng DTI-Palawan Provincial Office na lahat ng miyembro ng caravan kabilang ang mga empleyado at exhibitors ng DTI ay pawang fully vaccinated na. Patuloy pa ring ipatutupad ang Minimum Public Health Standard sa venue.
Para sa anumang mga katanungan o update kaugnay ng aktibidad, ang kawani ng DTI na si G. Persival T. Narbonita na nakatalaga sa Negosyo Center sa San Vicente ay maaaring tawagan sa pamamagitan ng mga sumusunod na mobile number 0928-6059604/ 0945-120-8398.