

Isang dayalogo ang isinagawa nitong, Miyerkules, Abril 28, sa pagitan ng Municipal Fishery Regulatory Board (MFRB) at ng mga producers/catchers, middlemen, vendors at consumers patungkol sa implementasyon ng Executive Order na nagtatakda ng price ceiling ng mga produktong isda at iba pang yamang dagat.
Ang price ceiling ay bunsod ng kahilingan ng mga nagtitinda na isaalang-alang ang laki ng mga isda sa pagtatakda ng panibagong presyo nito.
Ayon sa MFRB, ikinonsidera sa pagtatakda ng panibagong price ceiling ang kakayahan at kapakanan ng mangingisda, nagbebenta at mamimili.