san-vicente-palawan-community-support-program-at-caruray

Mahigit 200 katao ang dumalo sa paglulunsad ng Retooled Community Support Program (RCSP) na ginanap sa Covered Gym, Barangay Caruray, Bayan ng San Vicente, Palawan nitong Biyernes, ika-15 ng Enero taong kasalukuyan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) na pinamumunuan ng Lokal na pamahalaang bayan ng San Vicente, Marine Batallion Landing Team (MBLT), pamahalaang barangay ng Caruray at Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG).

san-vicente-palawan-community-support-program-at-caruray

Ang RCSP ay isang mekanismo ng MTF-ELCAC na bahagi ng Whole-of-the-Nation Approach Policy sa ilalim ng Executive Order No. 70 na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong ika-4 ng Disyembre, 2018 kung saan nakasaad dito ang pangangailangang magtatag ng sustenableng estratehiya upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan at matugunan ang mga ugat na sanhi ng insurhensiya. Layon din nitong makuha ang partisipasyon ng lahat ng sektor para makamit ang peace agenda ng Pamahalaan.

san-vicente-palawan-community-support-program-at-caruray
san-vicente-palawan-community-support-program-at-caruray

Kasama sa programang ito ang pakikisalamuha ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga unipormadong sangay nito sa komunidad upang matukoy ang mga aktuwal na pangangailangan ng mga tao sa barangay at sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Lokal na pamahalaan at ng iba pang sangay o ahensya ng gobyerno ay mabigyang prayoridad ang paghatid ng mga serbisyong natukoy ng programa.

Isa sa mga highlight ng aktibidad ay ang paglagda ng mga mamamayan at ng iba pang stakeholders sa Manipesto ng Pagsuporta sa pamahalaan na naglalayong palawakin ang kapayapaan sa komunidad.