san-vicente-palawan-mgc-building

MAYOR ALVAREZ, NAGPASALAMAT KAHIT NA DISMAYADO SA MABAGAL NA PAG AKSYON NG SANGGUNIANG BAYAN SA PAG-APRUBA NG PONDO PARA SA PAGPAPAIGTING NG COVID-19 RESPONSE SA MUNISIPYO

Bagamat dismayado sa mabagal na aksyon , nagpasalamat si Mayor Amy Roa Alvarez noong sa wakas pagkalipas ng isat kalahating buwan ay natugunan na ng Sangguniang Bayan ng San Vicente ang inihaing Supplemental Budget No. 8-2021 kung saan nakapaloob ang pondo para sa pagpapaigting ng COVID-19 response kabilang ang pamamahagi ng ayuda para sa mga sumasailalim sa isolation at home quarantine.