san-vicente-palawan-mass-blood-donation-at-bgy-kemdeng

Bukas na po! Kahit hindi residente ng Bgy. Kemdeng ay puwede pa ring pumasyal at mag-donate sa ating MASS BLOOD DONATION – Marso 23, 2022, 8am to 12nn, Kemdeng Gymnasium, San Vicente, Palawan
It’s better to GIVE than to RECEIVE.


Muli pong inaanyayahan ng San Vicente Rhu ang lahat na dumalo, makiisa at makibahagi sa gaganaping Mass Blood Donation. Bagamat nasa gitna man ng pandemyang dala ng COVID19 ang ating bansa, hindi ito balakid upang tayo ay magkawanggawa at makapagbigay ng tulong sa ating kapwa.
Ang aktibidad na ito ay inisyatibo ng Municipal Health Office-San Vicente , sa tulong at suporta ng Lokal na Pamahalaan ng San Vicente at koordinasyon sa Philippine Red Cross.


PAALALA:
👉 Magdala po ng sariling bolpen.
👉 Mas paigtingin pa din po natin ang pagsunod sa ating mga MINIMUM HEALTH PROTOCOLS gaya ng pagsusuot ng FACE MASK, pagpanatili ng SOCIAL DISTANCING, madalas na paghuhugas ng kamay o paggamit ng HAND SANITIZER at pag-iwas sa mga MATATAO AT KULOB na lugar.
Kaibigan, ang dugong iyong IBIBIGAY, makakaSAGIP ng BUHAY. Kaya tara na..
Mula sa San Vicente RHU – Donate BLOOD, Save Life!!