san-vicente-palawan-municipal-nutrition-action-office

11 Certificate of Recognition/Award ang tinanggap ng Bayan ng San Vicente mula sa Pamalahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng Provincial Nutrition Office noong miyerkules, Marso 29, 2022 sa VJR Hall, Provincial Capitol Complex, Puerto Princesa City.


“Ginulat kami ng Provincial Government thru Provincial Nutrition Office sa unang araw pa lang ng seminar, nakaroon ng awarding ceremony, 11 na certificate of award ang tinanggap ng San Vicente” Ani Sanitary Inspector Rodrigo A. Cipriano, ang itinalagang Municipal Nutrition Action Officer ng bayan ng San Vicente.


Anim sa 11 na sertipiko ng pagkilala ay iginawad sa Lokal na Pamahalaan ng San Vicente, dalawa para sa Pamahalaang Barangay ng Alimanguan, at tatlo naman para sa mga kawani ng Municipal at Barangay Nutrition Action Office para sa kanilang mahalagang ambag sa pagpapababa ng Malnutrisyon Prevalence Rate sa probinsiya.

san-vicente-palawan-municipal-nutrition-action-office

Ang mga parangal na iginawad ng Pamahalaang Panlalawigan sa bayan ng San Vicente ang mga sumusunod:

  • 2021 Top 5 of Lowest Malnutrition Prevalence Rate (Weight for age)@2.43%
  • 2021 Top 5 of Lowest Malnutrition Prevalence Rate (Length/Height for age)@8.65%
  • 2020 Top 5 of Lowest Malnutrition Prevalence Rate (Weight for age)@2.83%
  • 2019 Outstanding Municipal Nutrition Action Committee
  • 2019 Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI) Participation
  • 2019 Top 5 of Lowest Malnutrition Prevalence Rate (Weight for age)@3.06%

Ang mga pagkilalang tinanggap naman ng Pamahalaang Barangay ng Alimanguan ay ang “2019 Outstanding Barangay Nutrition Action Committee” at ang pagkilala kay Punong Barangay Cesar M. Caballero bilang “2019 Outstanding Barangay Captain”


Tinanghal naman si Sanitary Inspector Rodrigo A. Cipriano bilang “2019 Outstanding Municipal Nutrition Action Officer”, Si Mary Jane B. Valledor bilang “2019 Outstanding Barangay Environment Agriculture Nutrition Scholar” at si Mr. Victor Gabasan, Municipal Nutrition Aide para sa kanilang walang sawang pagsisikap at patuloy na suporta sa pagpapababa ng Malnutrition Prevalence Rate sa probinsiya
Lubos naman ang pagtangi ni Mayor Amy Roa Alvarez sa mga nabanggit na masisipag na kawani. “Nais ko na magsilbing inspirasyon sa bawat kawani ng gobyerno ang mga kagaya nila na naniniwala sa may pusong pagsisilbi sa taong bayan. Ang mga parangal na natanggap nila ay nagpapatunay ng kanilang kasipagan at dedikasyon sa kanilang trabaho”, ayon sa punong bayan.


Kasalukuyang nasa Puerto Princesa ang mga staff ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO) upang dumalo sa “Orientation on Nutrition Program Management and 2022 Updates on Regional Nutrition Program and Initiatives” na isinasagawa ng National Nutrition Council mula ika-29 hanggang ika-31 ng Marso.