san-vicente-palawan-track-of-typhoon-quinta
PAGASA ADVISORY KANINANG 11:00AM, IKA-26 NG OKTUBRE

Kaninang 10:00 AM, ang sentro ng “QUINTA” ay namataan na nasa 125 km North of Coron, Palawan o 120 km West Southwest ng Calapan City, Oriental Mindoro (13.1 ° N, 120.1 ° E).

Ito ay may dalang lakas na hangin na 125 km/h malapit sa gitna at bugso ng hangin na umaabot ng hanggang 150 km/h. Gumagalaw ito patungong Kanluran sa bilis na 25 km/h.

Ang Bagyong “QUINTA” ay magpapatuloy na kikilos patungong kanluran hanggang ngayong hapon, pagkatapos ay liliko ito sa kanluran-hilagang kanluran patungo sa kanlurang hangganan ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Inaasahang lalo pa itong lalakas sa loob ng 24 hanggang 48 na oras at tinatayang lalabas sa PAR bukas ng umaga.

Ang bagyo ay magdadala sa katamtaman(Moderate) hanggang sa malakas (Heavy) at may oras na mas malakas na pag-ulan (Intense rain) sa hilagang Palawan kasama na ang Calamian at Cuyo Islands, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, CALABARZON, Aurora, Isabela, Quirino, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Aklan, Capiz, at Antique.

Pinag-iingat po ang lahat ng residente ng Northern Palawan sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa (landslides) na dala ng malakas na pag-ulan at malakas na hangin.