san-vicente-palawan-miatf-new-guidelines-for-travellers

Ipinapatupad ang mga bagong alituntunin para sa mga lalabas at papasok ng bayan ng San Vicente kaugnay ng paghihigpit ng mga quarantine checkpoints dahil sa naitalang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod at pagtalima sa Memorandum Order No. 42 ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa inaprubahang bagong alituntunin ng San Vicente Inter-agency Task Force, ang mga residente at Authorized Persons Outside Residence (APOR) na lalabas ng munisipyo ay dapat na magpresenta ng valid identification card o proof of residency, pagtatala sa manifesto at kumuha ng pass slip sa tanggapan ng Municipal Economic Enterprise Development Office (MEEDO). Ang mga APOR ay kailangan ding magpresenta ng approved travel order mula sa ahensyang kinabibilangan.

san-vicente-palawan-miatf-new-guidelines-for-travellers

Ang mga APOR at ang mga residenteng namalagi lamang ng isa hanggang tatlong araw sa lungsod ng Puerto Princesa ay kailangan ng mga katulad na dokumentong nabanggit sa itaas kung sila ay uuwi o papasok ng munisipyo.

Ang mga inbound travelers tulad ng mga residenteng namalagi sa lungsod ng Puerto Princesa ng higit sa tatlong araw at ng mga returning resident ay hihingan ng medical certificate na nakuha sa loob ng 48 oras bago ang byahe, valid ID o proof of residency at pagtatala sa manifesto. Sasailalim din ang mga ito sa BHERT monitoring sa loob ng 10 hanggang 14 na araw.

san-vicente-palawan-miatf-new-guidelines-for-travellers
san-vicente-palawan-miatf-new-guidelines-for-travellers

Dapat namang makipag-ugnayan sa Municipal Tourism Office ng mga lokal na turista mula sa lungsod bago payagang mamasyal sa mga destinasyon sa San Vicente. Dapat din na mayroon silang medical certificate, valid ID, proof of booking sa mga DOT-accredited establishments at magrehistro at fill-out ng online forms tulad ng health declaration form at responsible visitors pledge sa pamamagitan ng sanvicentepalawan.gov.ph/tourism/.

Samantala, ang mga inbound travelers na symptomatic o may senyales o sintomas ng COVID-19 ay dadalhin sa Ligtas COVID Facility upang sumailalim sa antigen testing.

Ang mga bagong alituntunin ay inilatag sa ginanap na pagpupulong ng MIATF noong ika-22 ng Pebrero 2021 sa Malagnang Hall ng Pamahalaang Bayan.

Upang masiguro rin ang kaligtasan ng mga nagmamaneho ng public utility vehicles (PUVs), sila ay sasailalim sa antigen test kada linggo.

Hinihikayat din ang mga operators ng PUVs na mahigpit na ipatupad ang social distancing sa loob ng kanilang sasakyan.