san vicente evacuees

Umabot na sa 85 pamilya na may kabuuang 496 indibidwal ang inilikas sa bayan ng San Vicente, ayon sa huling ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction Council ganap na alas 3:22 ng hapon ngayong Biyernes, Disyembre 17, dahil pa rin sa hagupit ng Bagyong Odette.


Ayon sa MDRRMC, ito ay partial na bilang pa lamang at patuloy na ina-update.


Sa bilang na ito, 10 ang senior citizens, dalawa ang buntis at apat ang persons with disability (PWD).
Ang mga residente ay inihatid sa mga eskwelahan, barangay hall, gymnasium at iba pang pasilidad na itinalagang evacuation centers.


Ang mga inilikas ay mula sa mga Barangay ng Alimanguan (11 pamilya), Binga (2), Caruray (2), New Agutaya (3), Poblacion (17), Port Barton (38) at Sto. Niño (12).


Ayon kay MDRRM Officer Orlando C. Estoya, nailikas na nila ang karamihan sa mga pamilyang nakatira malapit sa mga baybayin at sa mga lugar na may panganib ng pagguho ng lupa.


Photo Courtesy to Sto. Niño SPL