Nasa 41 blood units ang matagumpay na nakolekta sa isinagawang Bloodletting Activity ngayong araw, ika-18 ng Nobyembre, sa Barangay Port Barton, bayan ng San Vicente.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Health Office (MHO) sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross.

Nakibahagi sa aktibidad ang mga uniformed personnel at iba pang indibidwal at residente ng naturang barangay.

Ito ay isang regular na aktibidad ng MHO na may layuning makapagsagip ng buhay at makatulong sa mga taong nangangailangan nito.

Maayos namang nasunod ang minimum public health standards kontra COVID-19 sa pagsasagawa ng aktibidad.