san-vicente-palawan-mass-wedding-civil-registration-month

Ganap nang mag-asawa ang 27 magkasintahan na nakibahagi sa ginanap na Yes, I Do! A mass wedding activity sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng San Vicente.

Ginanap ang seremonya ng civil mass wedding kahapon, ika-16 ng Pebrero 2021, sa Municipal Covered Gymnasium, Bgy. Poblacion.

Tumayong solemnizing officer si Mayor Amy R. Alvarez sa naturang gawain kung saan ay nagpalitan ng matatamis na “I Dos” ang mga magkasintahang mula sa iba’t ibang barangay ng munisipyo.

san-vicente-palawan-mass-wedding-civil-registration-month

Ibinahagi ni Pastor Jobel Lagariza sa seremonya ang biblikal na pundasyon ng pag-aasawa. Kanya ring tinalakay ang mga biblikal na prinsipyo para sa masayang pagsasama. Ilan sa mga ibinahagi niyang prinsipyo ang pagpapanatili sa Panginoong Hesus bilang sentro ng relasyon, pagdarasal nang magkasama, pagbibigay ng “quality one on one time,” at ang pagiging makatuwiran pagdating sa pananalapi.

“Tandaan po natin, kapag pumasok na tayo sa tinatawag nating pag-aasawa, ito po ay hindi kontrata na after 6 months ay expired na. … Ito po ay ating covenant relationship between husband and wife lalo’t higit sa ating Panginoong Diyos,” ani Pastor Lagariza.

san-vicente-palawan-mass-wedding-civil-registration-month

Binigyang diin naman ni Sangguniang Bayan Member Lilibeth U. Osorio na ang commitment, pagtitiwala, bukas na komunikasyon at pag-iipon ay ilan sa mga sekreto upang maging matagumpay ang pagsasama bilang mag-asawa.

Ang Yes, I Do! A mass wedding activity ay bahagi ng pakikiisa ng Pamahalang Bayan ng San Vicente sa pagdiriwang ng 31st Civil Registration Month na may temang “Strengthening Civil Registration and Vital Statistics’ Digital Information: The Ways to Manage the New Normal.”

Noong ika-13 ng Pebrero 2021, pitong magkasintahan sa Bgy. Port Barton at siyam sa Sitio Pamuayan ang nagpakasal at nakibahagi sa isinagawang religious mass wedding. Ang Office of the Municipal Civil Registrar ang nanguna sa pagsasagawa ng interbyu, counselling at seminar patungkol sa family planning.