san-vicente-palawan-granular-lockdown-for-2-weeks-1

Isasailalim sa “granular lockdown” ang 11 lugar sa bayan ng San Vicente simula ngayong araw ng Sabado, Mayo 29, ganap na alas 8 ng gabi upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19.
Sa direktiba ni Mayor Amy R. Alvarez ay isasailalim ang mga lugar na nasasakupan ng apat na barangay base sa rekomendasyon ng Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF). Ito ang mga lugar na mayroong bilang ng mga sumasailalim sa home quarantine sa mga barangay ng Poblacion, New Agutaya, San Isidro at Alimanguan.
Narito ang listahan ng mga lugar sa bawat barangay na nasa ilalim ng granular lockdown:


Barangay Poblacion
• Bahagi ng Purok Rosal
Barangay New Agutaya
• Purok Magsasaka
• Purok Damayan
• Purok Kasipagan
• Bahagi ng Purok Katarungan
Barangay San Isidro
• Bahagi ng Purok Pagkakaisa
• Purok Magsasaka
• Purok Pag-asa
• Other areas covered between Nangit Road and Oab Road
Barangay Alimanguan
• Purok 6
• Tagpis

san-vicente-palawan-granular-lockdown-for-2-weeks-4.
Bgy. Alimanguan
san-vicente-palawan-granular-lockdown-for-2-weeks-4.
Bgy. San Isidro
san-vicente-palawan-granular-lockdown-for-2-weeks-4.
Bgy. New Agutaya


Sa ilalim ng granular lockdown ay hindi muna papayagang lumabas ng bahay ang mga apektadong residente kabilang ang mga bata at matatanda maliban kung kinakailangan ng atensyong medikal o emergency.
Hindi rin papayagan ang pagbisita ng mga kaanak o iba pang tao sa mga bahay na nasa critical zones maliban kung otorisado o emergency.
Magtatalaga ng mga quarantine checkpoints sa mga kalsada upang masiguro na walang makapapasok at makalalabas sa mga lugar na nasa ilalim ng lockdown.
Magsasagawa rin ng roving o pag-iikot ang mga otoridad upang sitahin ang sinumang lumalabag sa panuntunan kabilang ang mga pinayuhan na maghome quarantine.
Bawal din muna ang pagsasagawa ng mga pagtitipon tulad ng religious activities sa mga nabanggit na lugar.
Papaigtingin din ang pagpapatupad ng curfew hours, no authority, no travel policy, at gambling and liquor ban sa mga nabanggit na lugar.
Ang implementasyon ng lockdown ay magtatagal ng 14 araw o hanggang sa ika-13 ng Hunyo ganap na alas 5 ng umaga.
Inihahanda na rin ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Municipal Health Office (MHO) ang mga ayudang iaabot sa mga apektadong kabahayan. Kabilang sa mga ipamamahagi ay mga bigas, canned goods, face mask, sabon, alcohol, gamot at iba pang pangangailangan.
Sa tala ng MSWDO, mayroong nasa 1,074 bilang ng pamilya ang maaapektuhan ng implementasyon ng granular lockdown.