san-vicente-palawan-mayor-amy-roa-alvarez-donated-10000-black-ballpens-to-dep-ed

Mahigit sa 10,000 black ball pens ang ipinagkaloob ni Mayor Amy R. Alvarez sa Department of Education-San Vicente District ngayong araw, ika-4 ng Marso, bilang personal na suporta sa mga kagamitang kinakailangan ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral ngayong panahon ng pandemya.

Makikita sa larawan si G. Carlo A. Buitizon (una mula sa kaliwa), Executive Assistant V, na kumatawan kay Mayor Alvarez sa pag-aabot kay DepEd District Supervisor Arlante N. Inventor (pangalawa) ng 17 kahon ng naturang kagamitan.

Ayon sa DepEd Supervisor, ang mga ito ay kanilang ipamamahagi sa mga mag-aaral ng mga paaralan sa mga barangay.

Matatandaang noong buwan ng Nobyembre 2020 ay nagbigay naman ng 7, 680 reams ng bond paper ang Punong Bayan sa DepEd upang matugunan ang pangangailangan ng mga guro sa pag-imprinta ng mga modules ng mga mag-aaral bilang bahagi ng makabagong estratihiya ng pagbibigay karunungan sa mga mag-aaral.