san-vicente-palawan-12-riso-printing-machines-donated-to-dep-ed-san-vicente-district

Dumating ngayong araw, ika-18 ng Marso, ang 12 RISO printing machines na binili ng Pamahalaang Bayan ng San Vicente bilang suporta sa pagtataguyod ng distance learning sa munisipyo.

Ang naturang mga kagamitan ay nakatakdang ipagkaloob ng Pamahalaang Bayan sa Department of Education-San Vicente District.

Ito ay malaking katugunan sa pangangailangan ng mga guro at paaralan sa mas mabilis na produksyon ng mga modules na kanilang ipinamamahagi sa mga mag-aaral.

san-vicente-palawan-12-riso-printing-machines-donated-to-dep-ed-san-vicente-district

Ang distance learning ay estratehiyang ginagamit ng DepEd sa pagtuturo ngayong panahon ng pandemya bilang alternatibong pamamaraan sa pagsasagawa ng face to face classes.

Kaugnay nito, ilang mga guro ang personal na nagtungo sa Municipal Gymnasium ngayong araw para sa oryentasyon at kaalaman sa tamang paggamit ng naturang printing machine.

Matatandaan na nauna nang nagkaloob si Mayor Amy R. Alvarez ng 7,680 reams ng bond paper at 10,000 black ball pens sa DepEd-San Vicente ngayong taong-panuruan 2020-2021.